top of page

Iloilo - Guimaras - Bacolod DIY Itinerary

My B.I.G. Tour (Bacolod - Iloilo - Guimaras) DIY ITINERARY 2019

(Taglish para malakas maka Millenials)HAHAHA

Check our travel Video Here.

✔Day 1: Arrival From Clark Airport to Iloilo Aiport Airfare: It depends if you booked a #seatsale be reminded that for a domestic flight there is a Terminal Fee:


🛫Clark Aiport Terminal Fee: P 150.00/pax 📌Iloilo Aiport to Sm Iloilo City (UV EXPRESS): P 50.00/pax 📌Can Take Jeepney from SM to Ongbun Pension Housel: P 8.00/pax or take a Taxi for around P 100 (take taxi if you travel as a group it's more convinient) 📌OngBun Pension House: good for 2 pax (2 single bed) P 750.00/night


⛪Explore Iloilo Town:

Places to Visit:

• Museo Iloilo • Iloilo Provincial Capitol • La Paz Market (Try the Original Lapaz Batchoy) • Jaro Cathedral/Bell Tower • Lizares Mansion (Angelicum School Iloilo) • Iloilo Esplanade • Molo Church


Hacked 1: Pwede po kayo Magjeep sa pag ikot sa Iloilo mas mura na and at the same time marami pa kayo makikitang dinadaanan ng jeepney depende sa route. hehe. P 8.50 po ang Pamasahe.


📌From Hotel: paglabas tatawid kayo kabilang daan then Take Jeepney going to Museo Iloilo and Iloilo Provincial Capitol. The entrance fee in Museo is P50 for adult. (kung nalilito ka: Wag mahihiyang magtanong, kung my RITE MED BA ITO.. haha joke)


📌Then from Museo Iloilo take Jeepney going to La Paz Market. another P8.50. Paglabas nyo ng Museo, ang Jeep ay Going to the right. then from there pwede din Magjeep papunta sa Jaro Cathedral.. (Ewan ko nalang maligaw ka pa yan po yung mga tourist destination na magkakalapit..)


📌then Take jeep pabalik sa Museo then magjeep (CPU) pa baluarte ibaba kayo sa palaengke na my signage na (Filipino -Chinese Community), bumaba kayo dun, at lumipat sa jeep papuntang MOLO.. so ayun na, nasa MOLO kana, mag papictures sa I love iloilo, sa MOLO mansion, sa Molo Church, sa Plaza nila.. yun na yun tabi tabi yun, hanapin nyo na din yung Balay na bato at mag Hot Choco dun.


📌then wag kana magjeep lakarin mo nalang din mula Molo Church hanggang Iloilo Esplanade. mga 5mins to 10mins walk lang yun. kumaen ka na din ng street food along the way diko lang alam kung maghanap ka pa ng dinner mo. hahaha


📌kung gutom ka pa, Dinner at Smallville, Plazuela de Iloilo or Iloilo Business Park by Megaworld — These areas offer a wide variety of dining options from the local flavors to international cuisines.


✔Day 2: Garin Farm Best time to visit Garin Farm is morning around 7am ka umalis para 8am andun kana kasi 8am nag oopen yun. 1hr ang byahe from MOLO terminal to Garin.. P 120 Fare each sa GarinFarm kana ibababa mismo.. or pwede ka naman mag CERES bus nasa P 50.00 then baba ka kanto then mag trike papasok ng Garin Farm. 30.00 each ang trike.


📌oh wag kang papalito, pwede kang mag jeep papuntang MOLO church ulit from hotel kasi sa side nun ang MOLO terminal.. pero I recommend magtaxi ka kung kulang na oras mo. nasa 100-120 po pag taxi.


📌GarinFarm entrance: P 150.00 (480 steps to reach the Pilgrims if you don’t like to walk/ climb & you can take a golf cart ride for 30pesos))

📌Madadanan nyo po yung Mingao Church, pero mas okay if pabalik.

🚗Pabalik tayo: from Garin Farm, take trike palabas P30:00 each then sa labasan abang ka Ceres bus pabalik Molo Terminal or kami kasi nag jeep muna papunta sa Miagao Church. P20.00 each then pwede ka magjeep or ceres pabalik terminal.


📌From Terminal: dahil nag hahabol kami oras, nag Taxi na kami going to Ortiz Wharf (roro ito papuntang Guimaras Island) pero if mahaba time nyo tanong niyo dun san sakayan papuntang robinsons city. From robinsons taxi kayo to ortiz wharf para mas mura. pero parang pareho lang kung susumahin. wahahaha


Hacked 2: check nyo sa Grab fare ang pamasahe so dapat sa ganun range lang lagi ang fare sa taxi. and also lagi kayo mag Meter ha.. wag papauto sa mga nagbibigay ng fixrate.. nauto ka na nga ng ex mo pati ba naman dito.. tsk tsk.


🛳15 minutes lang po prom Otriz Wharf to Guimaras. • At Jordan Wharf, there is a tourism office (in the new building) where you need to register (for free). You can ask for a tourist map to help you in getting around. • The boat from Iloilo city to Jordan leaves every 15 minutes from 5:30 AM to 7:30 PM daily. Meanwhile, the boat from Jordan to Iloilo, leaves every 15 minutes from 6:30 AM to 6:30 PM daily. • At the port, there are several tricycle drivers that offer land tours around Guimaras. Standard rate is Php 1,200 – Php 1, 500. Otherwise, if you just wish to be taken to your hotel or resort, the usual rate to Nueva Valencia (where most resorts are located) is Php 250 (one way) or1500 / 4 = 375/pax if 4pax


Hacked 3: Sa tourism office na kayo magtanong para alam nyo prices or you can contact Elmer Llaso , kasi si kuya nagtour samin dun. haha sulit at enjoy.

Pwede kayo magovernight sa guimaras if talagang marmi oras nyo sa may Rayment beach resort.. my Island hopping din. pwede din mag isa de gegantes tutal single ka, marami kana time sa sarili mi.. gawin muna lahat. wahaha joke.

then balik kayo before 6:30 ha.. baka maiwanan kayo ng roro.. mahal ang private P 600/bangka till 10:00pm byahe..


🌄Guimaras Attractions: • Balaan Bukid Dhrine • Smallest Plaza • Guimaras Provincial Capitol • Windmills Guimaras • Pitstop – lunch • Oro Verde Mango Plantation • Trappist Monastery • Lawi Bay • Guisi Ruins & Light House


✔Day 3: Bacolod Please manage your time here, dahil my schedule po ang ferry from Iloilo to Bacolod. sayang oras if madelay..(PM me or you can search from schedules ng mga ferry.)


🏝Bacolod Attractions: • Lakawon Island • Balay Negrense • Bernardino Jalandoni Museum • Balaring Mangrove • Negros Museum • Campuestohan Highlands Resort • Mambukal Mountain Resort • Pulang Tubig Falls


You can Ride Jeep to Ortiz Wharf - P 8.00 Trike to La Puz Terminal - P 30.00 or take a taxi going to terminal to Bacolod. Stand by / Bili ng ticket and wait for your boarding time.

🛳Ferry to bacolod - P 250.00 for economy fare * Terminal Fee * -* P 30.00

You can take jeepney from Terminal to your hotel, Check in to hotel (Royal Am Rei) malapit sa lahat pero pwede kayo makahanap ng hotel around downtown lang para mnalapit sa lahat and may access sa jeep. P8.00 po ang pamasahe sa jeep.


🏝Going to Lakawoon Island: from hotel, take jeepney going to Ceres terminal. from Ceres Bus to Cadiz Viejo (magpababa po kayo ha kasi baka nakatulog kayo para naman magising kayo ni kuyang kondutor para makababa ka. hahaha) - P 118.00 po ang bus fare

then from there mag trike po kayo papasok sa Cadiz Vijo (Lakawoon Terminal) - P 150.00/ trike


📌Lakawoon Island is P 350.00/ Pax - we were drop off at the reception / entrance of Lakawon Island. There is a representative and a guard who would gladly assist you like they did to us. An entrance fee of 350 PHP / head for the island stay. The fee includes the boat ride to and from the island. Entrance Fee (Included na pump boat papunta at pabalik, tas yung environmental fee)

you can chill also sa Tawhai Floating Bar nila for P 280.00 with complimenmtary drink na yun. for day tour till 5PM po ang last boat pabalik sa Lakawon Terminal.


📌then pabalik: mg mga UV express naman na mag alok sayo na P 250/pax na ibaba ka na mismo sa destination m, like ginawa namin nag pababa kami sa Ruins. or choice mo if like mo gawin yung way kung pano papunta mo ganun din pabalik.


📌maganda ang Ruins ng pagabi so kung makadating kayo dun ng mga 5:30 atleast makakapag chill pa kayo at makita nyo ang ruins ng maliwanag at ng gabi. ayos diba? P 100.00 nga pala entrance pero if like nyo P300.00 po consumable na food na yun sa resto nila.. sarap diba diun na kayo magdinner kaso hanggang 8pm lang po ang ruins then pwede ka mag UV na 50.00 hanggang robinson then take jeep 8.00 going to Plaza Libertad. sa SM Bacolod, dun ang Bacolod Manukan at kumaen kayo ng Inasal. nang ma impatcho kayo sa busog. Aida's Inasal po ang sikat dun pero tabi tabi yun so pwede ka mamili ano like mo dun.

then Kinabukasas. if marami ka pa time pwede ka punta sa Campuestuhan or Balay Negrense.


from hotel, mag jeep (bata) going to Silay Terminal. - P8.00 then from Silay Terminal - sakay ulit jeep going to Silay - P 15.00


🏘Pababa po kayo sa Balay Negrense. or sa my San diego de Alcala Church, 5mins walk po dun ang Balay Negrense at Cinco de Noviembre. Makikita nyo din ang oldest bakery shop dun na El Ideal since 1920's.

then ganun din pabalik. balik na kayo sa iloilo.. so kung paano ang papunta ganun din pabalik. then magtanong tanong lang. wahahaha

yan po amg kanbuuan ng Itinerary namin, pwede from Bacolod ang entry or Iloilo entry, just play with wit lang.. for moire clarification PM is the key. wahahaha


Sorry I'm not a professional blogger pero my purpose here para sa mga nagtatanong po at lalo na marami kasi blog na bibigay lang attraction pero wala talagang instruction on how to get to one place to another.. hehe

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page